Henrey

Malalim, mababaw, mayaman

Monday, 15 June 2015

Hipan mo pa boy!

Bula, Bula, pag-sinobrahan mo ang hipan... hindi ba? puputok na lang?

Minsan kung nasaan malapit na tayo sa rurok... bigla na lang mawawala.

Bakit may ibang tao na mahirap dyan tapos makatikim lang ng pera, tulad nang manalo sa lotto o kaya nakapangasawa nang mayaman o kaya may napulot na briefcase na puno nang drugs... akala mo sino nang milyonaryo? Tandaan niyo puputok ang kayamanan niyo at babalik din kayo. Reality check... ika nga.

Sa Pag-ibig... tungkol sa pag-ibig talaga ito. Haha! Yung tipong, nasa rurok ka na nahuhulog ka na sa kanya bigla siyang puputok? maglalaho parang bula. Okay lang sana kung may dahilan, paano kung wala? Hindi ba, T@#^@#! baka hindi ka mapraning dun. Nakakadala din... Hindi ba?

Alam ko kasama talaga sa pag-ibig ang masaktan pero sana respeto pa din naman sana hindi ba? Tipong okay naman kayo sa lahat nang bagay,,, naging perpekto sa'yo yung lalaki na hindi ka pagalitan kahit alam nang lalaki na mali na e... masyado nang nagpakabait, tapos bigla ka nalang mag-memensahe, pahingi naman ako nang "SPACE"! the f*cK! Space e, gusto mo ipagbake pa kita para lumipad ka o kaya ipasama kita sa mga adik para makita mo ang mga bitwin sa langit... malay mo makita mo pa nga si Superman o kaya sa Kapitan Inggo. Tutuusin... yun ang pinakawalang kwentang rason sa lahat kasi clueless ka padin.

Bilang sa nauusong "gender equality", ito lang sana ang payo ko sa mga babae... Please, maging babae naman kayo sa dahilan ninyo, humingi kayo nang pahintulot na kausapin niyo yung lalake kung ayaw niyo na o kaya may gagawin kayong importante o kaya ayaw niyo na talaga at rason... sa ganoong paraan, malilinawagan din yung lalaki... kahit hindi niya matanggap ngayon... at balang araw maiintindihan niya din yun.


Ipinahahayag lang na parang may bula sa bawat aspeto nang ating buhay, mapapag-ibig man yan o kaya pagkayaman o kaya kung ano man dyan... may oras na dadating na aakyat ang bulang iyan at puputok kahit kailan. Respeto lang sana ang kailangan natin at tayo ay magtulungan kung mangyayari man ito.





Sunday, 7 June 2015

Galaw

Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa din natatahimik ang aking pag-iisip.

Paano tayo ngayon? Paano tayo bukas?

Ngunit, kailangan nating gumalaw pa-usod para ipagpatuloy ang daloy nang buhay.


May nawawala, may nadating... Sa hindi mo inaasahang panahon ngunit tayo ay dapat maging handa baka bukas makalawa kakailanganin mo ang karanasang iyon para masagot ang problema mo kinabukasan...


Ignorante ang nagsasabe na madali ang buhay. Kailangan mo nang pundasyon, nang kadikit para mabawasan man lang ang nararamdaman mong sakit. 

Naniniwala na ako ngayon...
Ang pag-ibig ang nagiging rason para maging masaya tayo at ipagpatuloy natin ang ating silbi sa buhay...

Yaong bukod tangi mong huwag bibitawan kailanman...



Friday, 15 May 2015

Hindi Sapat

Sa tuwing naririnig ko ang chorus ng kantang ito, hindi ko maiwasan magmukmok ako sa isang tabi at naaalala ko na ako'y musmos pa din na hinihintay ang mga yakap mo. It goes like this...


Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Sa’min ay wala ng iba ‘di sapat ang salamat inay

Nanay, mami, ina
Mama, inang, mamang, ima
Dapat n’yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay


Gigising nang madaling araw, pagiinit ako nang tubig panligo, nakahanda na nang masarap na almusal, pagdadalhan nang baon pang eskwela.

Madaming bayarin, pangkuryente, tubig, tuition fees, at iba pa. Pero may pangkain pa din nakahain sa lamesa natin.

Nakipagkwentuhan sa amin na tinuring kaming kaibigan, umiyak sa aming mga kapasawayan na ginawa bilang anak.

Tuwing kami ang may sakit, ikaw ang nag alaga ngunit nung ikaw na ang may sakit, hindi ka man lang humingi nang tulong para maihagkan ka namin.

Kahit ngayon na nakalatay ka nalang sa iyong higaan, alam ko lumalaban ka pa din para sa amin.

Iniikot-ikot kita sa iyong magandang upuan na nagsisilbing trono mo habang tayo ay nagkwekwentuhan. Ito na yata ang huli nating oras nang malakas ka pa at nakakausap.

Hindi ko nga alam ma... kung tinuturuan mo ako ngayong ganito ka na... mahirap pala maging isang katulad mo. Masakit pero masarap ang may responsibilidad para sa pamilya mo. Masakit kasi ako na ang gumagawa nang desisyon para sa pamilya at para sa iyo.

Masakit na nakikita kita nanghihina araw-araw, oras-oras... masakit na nagdesisyon kami para iuwi ka na. Masakit na nakapikit ka na lang. 

Alam kong hindi sapat ang salamat inay, mama sa lahat nang tinuro mo sa akin, ala-ala na hindi masusuklian nang sino pa man. Ikaw ang pinakakamahal kong inay at kaibigan.

Kung papapiliin nga lang ako sino ang magiging nanay ko. Ikaw pa din ang pipiliin ko.

Namimiss ko na ang masasarap na luto mo, mga kwento mong paulit-ulit. Namimiss na kita.

Alam ko na handa na ako, kami, na sasama ka na sa Kanya pero hindi ko pa din maiwasan na ako'y mapaluha. 

Ma, Ako'y musmos pa din na bata na handang maghintay sa pagmamahal mo.